Thursday, October 19, 2006

What the hell was I thinking???

Tuesday, October 17, 2006

Pagtalima sa meron

Pinipili ko ang araw na ito, alang-alang sa kabutihan ng aking sarili at pati narin ng mga mahal ko at mga nagmamahal sa akin, mga kaibigan, kakilala, at karibal (kung meron man), bilang simula ng aking pagbabagong-buhay.

Hindi ko sinasabi na mali ang dati kong buhay, o na may kakulangan ito o kahinaan, o na ang mga nagbabagong kalagayan sa kapaligiran ko ang nag-udyok sa pasya kong ito. Ang pasya kong magbagong-buhay ay dulot lamang ng aking kagustuhan.

Ano ba ang mababago? Unang una, gagawa na ako ng makatotohanang pugsusumikap na huwag talikuran ang meron. Kung sa nakaraan ay isinasantabi ko ang meron upang bigyang-layaw ang aking mga pagnanasa, ngayon ibibigay ko sa meron ang nararapat dito: ang pangunahing posisyon sa aking listahan ng mga priyoridad.

Bunga nito, pipilitin ko ang aking sarili na panagutan ang mga pangakong aking binigkas, sapagkat ang mga pangakong ito ay mga pagtataya ng katauhan, at nararapat sikaping gawing totoo sa diwa at gawa kung mayroon nga akong kakayahang pumasya at kumilos ng may kalayaan.

Aaminin ko sa aking sarili na mayroon ngang mala-impyernong pagsusulit sa ELC sa darating na Biyernes, at hindi sa malayong panahon na diyos lamang ni Sokrates ang nakakaalam.

Aaminin ko rin na ang 7:30 ay 7:30, at hindi isang mahiwagang oras na ginawa upang ang mga mag-aaral (na lahat naman palaging nahuhuli sa klase) ay dumating pagsapit ng 8:00.

Bibitawan ko naman ang ideya na matagal nang gumagalaw sa aking kaloob-looban na ang pag-aaral ay nakukuha sa talento lamang, at ang talagang magaling ay hindi nangangalaingan ng mahabang repetitio o prelectio, sapagkat sa lectio lamang dapat nahuhuli na nila ang liwanag ng leksyon.

Marami pang mga pag-amin, pagtanggap, at pagbitiw ng mga ideya ang kakailanganin kong isagawa bunga ng pasya kong ito, at inaamin kong ako ay kinakabahan. Ngunit sabi nga ni Marcel, kinakailangan ng isang tao ang katapangan ng diwa't kalooban na magbibigay sa kanya ng kakayahang harapin ang meron at sundin ang kanyang mga naiisip saan man ito patungo. Dagdag pa ni Padre Ferriols, upang hindi mabihag ng mga katamaran ng diwa, kailangan lamang ang tibay ng loob.

At sana po lamang ay sumikat ang Pating, Isda at Bola, at Balyena, at Masamang Pinuno ng mga Taga-ibang Planeta (Shark, Fish and Ball and Whale and Evil Alien Mastermind).

NAGBABLAG PARA SA KATARUNGAN!
17 Oktubre, 2006

Saturday, October 07, 2006

The blessed blog of god 2

I find that I must return to the original reason for creating this blog. It was so that I could write about my inner self, which I sadly cannot express in any other way. This I will do now.

Inner Mark, as much as Facade Mark would like the world to believe, exists, as I suspect the world has known from the beginning. The world, I believe, thinks that Mark is mentally disturbed for trying to deny the existence of an inner, hidden manifestation of himself. The world, I believe, thinks that Inner Mark has so many scars from past encounters with reality that he has, with the help of Facade Mark, hidden himself deep within a hiding place of their own shaping.

I believe the world is wrong. Inner Mark does not wish the world to think that he does not exist while he sleeps snugly in his hiding place, surfacing only when circumstances give him no choice. Inner Mark wishes himself not to exist.

Would this, then, not leave the "running" of Mark to Facade Mark, the impostor who has for so long denied the existence of the true Mark? To this line of thinking I must point out that Inner Mark and Facade Mark are not manifestations of what Mark "is" and "wants the world to think he is", respectively. A closer analogy would be choosing between a black and blue pen. The world sees them differently, and in return they leave different marks on the world, but we can't say that one of them is better than the other.